Lalo pang magiging abala ang syudad ng Cotabato at inaasahang magiging sentro ng kalakalan sa susunod na mga panahon di lamang sa Central Mindanao kundi sa buong bansa kasabay ng nalalapit na pagpapatayo ng Airport, Seaport at Sports Complex.
Kanina nga ay nagkalagdaan na ng Memorandum of Understanding ang City Government at mga Chinese Investors para sa nakatakdang proyekto. Dumalo sa aktibidad ang mga Department Heads ng LGU, mga konsehal at ilang bisita.
Tinatayang nasa 1.4 Billion pesos ang pundo para sa gagawing Airport sa Tamontaka Area at Seaport sa Kalanganan Area. Maliban dito nangako rin ang mga Chinese investors na magpapatayo ng Sports Complex sa syudad.
Lubos naman ang pagpapasalamat ni Mayor Frances Cynthia Guiani sa tiwala at suporta ng mga Chinese investors sa paglagak ng kanilang mga proyekto sa syudad. Dagdag employment rin aniya ito para sa mga taga syudad. Bunga na rin ito ng nagpapatuloy na gumagandang peace and order situation.
Kaugnay nito patuloy na hinihimok ni Mayor Guiani ang lahat ng kanyang mga kababayan na makiisa sa kanilang kampanya at adbokaisya para sa tuloy tuloy na kaunlaran ng Cotabato City.