Airport security guard, ibinalik ang wallet ng isang japanesse na may lamang ¥1.5-M sa NAIA

Sinauli ng isang matapat na airport security guard ang higit sa ¥1.5 million o katumbas ng ₱619,636.00 sa isang Japanese tourist sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Manila International Airport Authority Officer-in-Charge Bryan Co, kinilala ang airport guard bilang aviation security at Ilocano na si Crispin Toquero na naka-assign sa north wing arrival area sa NAIA Terminal 2 ng mapansin ang isang wallet, agad niya umano itong dinampot at pinagbigay alam.

Bilang bahagi ng standard operating procedure agad na ibinigay ang impormasyon sa airport police para i-announce sa publiko.


Samantala, nagpasalamat naman ang Japanese na si Kiyoshi Fukasawa dahil kahit na may language barrier ay naibalik ang aktwal niyang wallet at kumpleto ang laman.

Facebook Comments