AIRSTRIKE | Halos 10 miyembro ng BIFF, patay sa Maguindanao

Maguindanao – Umabot ng halos 10 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa isinagawang airstrikes ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Maguindanao.

Ayon kay Army Spokesman Captain Arvin Encinas, sinimulan nilang magsagawa ng airstrikes nitong pasko dahil sa nakaambang pag-atake ng BIFF ang kato detachment ng 57th infantry battalion sa bayan ng Datu Unsay.

Nagawa ng militar na mailikas ang mga nakatira malapit sa lugar makaraang magsunog ng dalawang bahay sa lugar.


Apat na bandido ang napatay habang lima ang sugatan.

Ang mga residente ay lumikas muna sa Sitio Bagong para sa kanilang kaligtasan.

Facebook Comments