Tinatayang nasa dalawang libong mga pamilya ang lumikas mula sa ilang bayan malapit sa Liguasan Marsh o Pawas matapos magsagawa ng Airstrike at Law Enforcement Operation ang 6th Infantry Division.
Kinabibilanag ng mga residente mula sa Pagalungan, General Salipada K. Pendatun, Sultan sa Barongis sa Maguindanao habang patuloy naman ang mga validation mula sa mga bayan ng Pikit, Aleosan, at liblib na bahagi ng Midsayap sa North Cotabato.
Madaling araw kahapon ng simulang bulabugin ang mga sibilyan ng operasyon ng military na di umanoy primary target ang mga myembro ng DAESH ISIS Supporters.
Kaugnay nito, 15 mga BIFF ang nasawi, 8 sugatan at dalawang ang naaresto maliban pa sa pagkakasira sa sinasabing FACTORY ng Improvised Explosive Device ang naging resulta ng operasyon ayon pa kay 6th ID Commander BGen Cirilito Sobejana.
Ang operasyon ay ikinasa ng military matapos na mambulabog ang mga BIFF sa pamamagitan ng pagtatanim ng IED sa ibat ibang lugar sa Central Mindanao kahit pa man sa panahon ng Ramadan giit ni General Sobejana. Humihingi namang ng pag-unawa ang heneral sa mga sibilyan .
6th ID Pic