Airstrike Ng Russia At Syria, Inihinto Muna

6

SYRIA – Inihinto muna ang airstrikes ng Russia at Syria sa lungsod ng Aleppo sa Syria.Ito’y upang bigyang daan na makaalis ng lungsod ang mga sibilyan.Ayon kay Russian Defense Minister Sergei Shoigu na kailangan matiyak ang seguridad sa anim na mga corridors na gagamitin sa evacuation ng mga sibilyan at mailipat ang mga sugatan.Matatandaang walang humpay ang ginagawang airstrikes ng Russia at Syria sa Aleppo simula nang mag-collapse ang ceasefire sanhi ng pagkamatay ng maraming sibilyan.

Facebook Comments