Airstrikes sa Iran-backed militia groups, ipinag-utos ni US President Biden

Ipinag-utos na ni US President Joe Biden ang pagsasagawa ng airstrikes sa mga pasilidad na ginamit ng Iran military sa border ng Iran-Syria.

Ayon sa US Department of Defense (DOD), napili ang mga pasilidad dahil maaaring gamitin ito ng Iraq Unmanned Aerial Vehicle (UAV) na pang-atake sa US personnel.

Sinuportahan naman ni House Speaker Nancy Pelosi ang desisyon dahil prayoridad at tungkulin ng Estado na protektahan din ang mga bayaning militar na dumedepensa sa kanilang teritoryo.


Facebook Comments