Mariing kinontra ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang pag-uugnay ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP sa People’s Initiative para sa Charter Change (Cha-cha).
Ayon kay Tulfo, nabuo and idea ng programa noong panahon na siya ang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at nang maging kongresista ay inilahad niya ito kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Paliwanag ni Tulfo, napansin niya na ang lahat ng ayuda ay nakatuon lamang sa mga “poorest of the poor” o mga pinakamahihirap at tila nakalimutan ang mga kababayan natin na “in between,” o yaong mga kumikita ng ₱23,000 pababa katulad ng mga crew, riders, security guards, waiter at iba pa.
Ayon kay Tulfo, ipinasok ang programa sa 2024 national budget pero DSWD ang magpapatupad at tutukoy kung sino ang mga benepisyaryo.