Sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtanggap ng applications para sa Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP program para sa mga Overseas Filipino Wokers (OFW).
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, lumagpas na sila sa target na bilang ng mga benepisyaryo na 150,000 OFWs.
Nakatanggap na sila ng higit 400,000 applications para sa AKAP, kung saan 142,550 ang kanilang inaprubahan.
Sa ngayon, humingi na ang DOLE ng dagdag na 2.5 billion pesos para pondohan ang programa para matulungan ang iba pang OFWs.
Facebook Comments