Ipinroklama na ng Commission on Elections ngayong araw ang Akbayan party-list bilang isa sa nagwagi noong May 2022 elections.
Ito ay matapos na ilabas ng Korte Suprema ang desisyon with finality na nagpapatibay sa kanselasyon ng poll body sa registration ng An Waray bilang isang party-list group.
Sa naging boto ng Supreme Court en banc noon, hindi inabuso ng COMELEC ang kanilang kapangyarihan nang kanselahin ang registration ng An Waray matapos na iligal na maupo bilang kongresista ang isa sa nominees ng party-list kahit walang certificate of proclamation.
Dahil dito, nabakante ang isang pwesto sa Kamara na nagresulta sa pag-proklama sa Akbayan party-list bilang nanalo.
Sila kasi ang pang-57 mula sa 56 na nanalong party-list groups noong nakalipas na halalan.
Magsisilbi namang nominee ng Akbayan si Percival Cendaña na mauupo bilang kongresista hanggang sa June 30, 2025.