
Isang malaking tanong para Akbayan Representative Perci Cendaña kung takot ba si Senate President Chiz Escudero kay Vice President Sara Duterte kaya patuloy nitong inaantala ang proseso ng impeachment.
Ayon kay Cendaña, ang mga hakbang ni Escudero ay maituturing na garapalang pagproteksyon kay VP Duterte laban sa pananagutan.
Bunsod nito ay iginiit ni Cendaña na ang hindi pag-aksyon ni Escudero sa impeachment case ni VP Sara ay pagtataksil sa mandato nitong itinatakda ng konstitusyon.
Paalala ni Cendaña kay Escudero, ang pag-convene sa Senado bilang impeachment court ay isang tungkulin na iniuutos ng Konstitusyon at hindi parang Paris fashion week na na pwedeng isantabi depende sa lagay ng politika.
Facebook Comments









