Akbayan Youth, tumulong na rin sa pagresolba sa kaso ng pinaslang na grade 9 student sa Lapu-Lapu City, Cebu

Nanawagan ang mga grupo ng kabataan sa publiko na huwag nang magpakalat ng fake news kaugnay sa kaso ng 16-anyos na dalagita na pinatay, binalatan ang mukha at tinanggalan pa ng lamang loob sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Tugon ito ni Gio Tiongson ng Akbayan Youth sa mga pinalulutang na isyu na ang brutal na pagpatay sa dalagita ay para bigyang katwiran ang  muling pagpapabumbalik ng death penalty o dili kaya ay paghahanda sa deklarasyon ng martial law sa buong bansa.

Ayon kay Tiongson, hindi nakakatulong ang mga kumakalat sa social media na may nahuli ng mga suspek.


Aniya, dapat hayaan na lamang ang otoridad at ang lokal na pamahalaan na tapusin ang ginagawang imbestigasyon.

Tumutulong na ang Akbayan Youth sa Cebu upang matiyak ang mabilis na resolusyon sa karumal-dumal na krimen.

Sa isyu ng death penalty, sinabi ni Tiongson na hindi rin masosolusyonan ng death penalty ang paglala ng krimen.

Masosolusyunan lamang aniya ito ng seryosong pagkilos ng otoridad para hanapin at parusahan ang gumagawa ng ganitong brutal na pagpatay.

Facebook Comments