Nananawagan nang karagdagang vaccine allocation ang lokal na pamahalaan ng Aklan mula sa national government.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na sadyang mababa pa ang bilang ng mga nabakunahan sa lalawigan pero nagpapatuloy ang surge o mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Sa huling datos, 11% pa lamang ang nabigyan ng 1st dose habang nasa 7% pa lamang ang fully vaccinated sa Aklan mula sa apatnaraang libong adult population.
Aniya, ang pagbabakuna ang siyang solusyon upang maagapan ang pagkalat ng virus sa kanilang lalawigan.
Bagama’t wala pang naitatalang Delta variant sa Aklan sinabi ni Gov. Miraflores na mabilis ang pagkalat ng virus sa kada pamilya.
Una kasing naitala ang Delta variant sa Pandan, Antique na border town ng Aklan.
Una nang sinabi ni Miraflores na 2 hanggang 3 katao ang nasasawi sa Aklan sa kada araw dahil sa COVID-19.