Aklanong marines sniper na napatay ng Maute sniper, hindi na iuuwi sa Aklan

Aklan – Hindi na iuuwi sa lalawigan ng Aklan ang Philippine Marines sniper na napatay ng maute sniper habang kumakain ito ng almusal sa battle field kahapon ng umaga sa Marawi City, Lanao Del Sur.

Isang tama ng bala sa ulo ang pumatay kay Sgt. Brian Tamboon 33, residente ng Barangay Caticlan, Malay, Aklan at nakapag-asawa ng taga-Zamboanga City, na naging sundalo at nadestino sa Minadanao noong 2005.

Ayon sa kanyang asawa na si Chinalyn Tamboon, huli silang nagkausap alas 6:00 ng umaga kahapon at pagkalipas lamang ng 1 oras binalitaan lamang siyang tinamaan na si Sgt. Brian Tamboon.


Mayo 26, 2017 ng ideploy si Sgt. Tamboon sa Marawi City at hindi na rin mabilang ang napatay nitong miyembro ng Maute at ISIS.

Ang mag-asawang Tamboon ay mayroong 2 anak na kasalukuyang naninirahan sa Zamboanga City kung saan napagkasunduan ng kanilang pamilya na doon na rin siya ililibing.

Ayon naman sa kanyang mga kapamilya sa lalawigan ng Aklan, isang matapang at tapat sa bayan si Sgt. Tamboon.

Facebook Comments