AKSES SA PRE-MARRIAGE COUNSELING, PINADALI SA BAYAN NG MANAOAG

Pinadali na ang akses sa pre-marriage counseling sa bayan ng Manaoag matapos magtalaga ang lokal na pamahalaan ng accredited Pre-Marriage Counselor sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), na magsisilbi sa mga residenteng may planong magpakasal.

Ayon sa lokal na pamahalaan, dati ay kinakailangan pang bumiyahe ng mga Manaoagueñong ikakasal patungo sa mga karatig-bayan dahil sa kakulangan ng accredited pre-marriage counselors sa Manaoag.

Ang naturang akreditasyon ay ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) alinsunod sa DSWD Memorandum Circular No. 20, Series of 2024 o Revised Guidelines in the Accreditation of Pre-Marriage Counselors, at sa Executive Order No. 209 o Family Code of the Philippines, kung saan may bisa ng limang taon ang Certificate of Accreditation.

Samantala, kasunod ng anunsyo, inimbitahan din ng lokal na pamahalaan ang mga residenteng may balak magpakasal na magparehistro para sa libreng kasalang bayan na nakatakdang isagawa sa Pebrero 20, 2026.

Facebook Comments