AKSIDENTE | 2 Pinay, patay sa car accident sa California

211

California – Dalawang Pilipina ang kumpirmadong nasawi matapos bumangga ang sinasakyan nilang suv sa isang nakaparadang trak sa Antelope Valley Freeway sa Palmdale, California.

Kinilala ang mga pinay na sina Erlinda Fernandez, 68-years-old at Rosario Agmata, 61-years-old.

Mabilis umano ang takbo ng suv bago ito bumangga sa trak.

Agad namang inalis na mga dahilan ang alak o iligal na droga sa naganap na trahedya.

Facebook Comments