AKSIDENTE | 3 – sugatan sa banggan ng kotse at cement mixer truck sa Taytay, Rizal

Rizal – Sugatan ang tatlong katao sa banggaan ng isang cement mixer truck at kotse sa bahagi ng Palmera 2 sa Barangay Dolores, Taytay, Rizal.

Ayon sa drayber ng truck, mabagal lang ang kanyang takbo habang bumabagtas pababa sa pakurbang bahagi ng kalsada nang biglang sumalubong ang kotse mula sa kabilang lane.

Dahil dito, tumagilid ang cement mixer truck habang nawasak ang kotse.


Isinugod sa ospital ang driver ng kotse matapos na dumaing ng pananakit ng leeg.

Sugatan din ang driver ng truck at pahinante nito pero hindi na sila nagpadala sa ospital.

Nagdulot ng pagbagal sa daloy ng trapiko ang insidente.

Bagama’t madadaanan na ulit ngayon ang bahagi ng kalsada, asahan pa rin ang mabigat na daloy ng mga sasakyan.

Facebook Comments