AKSIDENTE| Dalagita, dead-on-the-spot matapos mahagip ng truck

Valenzuela City – Dead-on-the-spot ang isang dalagita matapos na mabundol at masagasaan ng isang trak habang sakay ng kanyang bisikleta sa Valenzuela City.

Nakilala ang biktima na si Jhona Francisco, habang naaresto naman ang driver ng truck na si Romano Garin, Jr.

Sa ulat,naganap ang aksidente sa may Que Grande Road, sa Brgy. Ugong, ng naturang lungsod kung saan nasagi ng truck na minamaneho ng suspek ang dalagita habang nagbibisikleta.


Nawalan ng kontrol ang biktima hanggang sa pumailalim sa truck at tuluyang masagasaan at hindi na din nagawang mag-preno ng truck driver.

Facebook Comments