AKSIDENTE | Dalawang Kotse ng Banggaan!

Dagupan City – Pasado alas kwatro ng hapon nang agarang rumesponde at nag-imbestiga sina SPO3 De Vera at PO1 Cornel ng Dagupan City Police, matapos maganap ang isang vehicular incident sa kahabaan ng A.B. Fernandez Avenue nito lamang Linggo, June 3, 2018. Kinasangkutan nina Venancio Benitez, driver ng Isuzu MUX, at Adrian Nathaniel Lim na isang student driver, kasama ang kanyang inang si Sheila Lim habang siya ay nagmamaneho ng isang Hyundai Starex sa nasabing insidente. Ayon sa imbestigasyon ng Dagupan PNP, aksidenteng sumalpok ang Starex sa likurang bahagi ng Isuzu. Dahil dito ay nagtamo ng mga misalignment at mga gasgas ang sasakyan. Wala namang naiulat na galos o injury ang mga driver at mga lulan na pasahero nito. Idinaan naman sa negosasyon ng magkabilang partido ang pag-areglo sa pangyayari. Ayon kay Mrs. Lim, aakuhin nya ang alinmang gastusin sa pagsa-saayos ng sasakyan ni Benitez.

Facebook Comments