Nagpaabot na ng pakikiramay at simpatya ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa naulilang pamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na namatay nito lamang Martes sa Kuwait.
Sa ulat ng ating Embahada sa Kuwait, tumalon mula sa ikatlong palapag ng pinagta-trabahuhang bahay ng employer ang hindi na pinangalanang household service worker mula Isabela.
Ayon naman kay Chargé d’Affaires Noordin Lomondot, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad sa Kuwait upang malaman ang tunay na dahilan ng pagtalon ng biktima at matukoy kung may foul play ba sa pagkamatay nito.
Sa ngayon tiniyak ng DFA na tutulong sa pagre-repatriate sa mga labi ng biktima.
Facebook Comments