AKSIDENTE LANG? | Isang 14-anyos na binatilyo, patay matapos mabaril ng air gun sa Ifugao

Ifugao – Patay ang isang 14-anyos na binatilyo matapos mabaril sa Lagawe, Ifugao.

Sa ulat, nagtungo sa palayan ang biktimang si Fredie Mar Tangid at pinsan nito para manghuli ng ibon gamit ang air gun.

Nagulat na lamang ang pamilya ni Tangid ng mabalitaan na aksidente siyang nabaril ng airgun sa kaliwang dibdib.


Nagawa pang maisugod sa ospital si Tangid pero idinelarang dead on arrival ng mga doktor kung saan patuloy ang imbestigasyon para malaman ang totoong nangyari.

Facebook Comments