AKSIDENTE SA AGOO | Drayber ng Partas, walang kasalanan – LTFRB

Manila, Philippines – Inihayag na walang kasalanan ang driver ng Partas na sangkot sa madugong aksidente.

Inabswelto ng Land Transportation and Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang driver ng Partas sa madugong aksidente sa Agoo, Launion.

Ayon kay LTFRB spokesperson Aileen Lizada, batay sa pagsusuri sa kuha ng CCTV, ang driver ng jeep ang nakitang may kasalanan dahil ang jeep ang sumampa sa Lane ng Partas bus.


Makikita sa CCTV footage na maayos at diretso ang takbo ng bus maliban sa nasa kondisyon din ang driver dahil ito ang kaniyang unang oras ng duty.

Lumilitaw din na hiniram lamang ng driver ang jeep at hindi ipinaalam sa operator na ipapasada ito.

Hindi pa puwedeng bawiin ng LTFRB ang preventive suspension sa pitong bus ng Partas.

Mangangailangan pa ng karagdagang impormasyon ang LTFRB partikular ang pagsusuri kung may dash cam ang iba pa nitong units.

Submitted for resolution na ang kaso ng Partas itinakda sa January 24 ang susunod na hearing.

Inaasahan na magsusumite pa ang paryas ng dagdag ba ebidensya.

Facebook Comments