Manila, Philippines – Humarap na sa tanggapan ng LTFRB – region 1 ang may-ari ng jeep na nasangkot sa aksidente sa Agoo, La Union noong Pasko.
Ito ay matapos na patawan ng suspension order ang dalawang unit ng kanyang jeep bukod pa ang posibleng pananagutan niya dahil sa aksidente.
Ayon kay Ronald Ducusin, hiniram lang sa kanya ng nasawing driver na si Ronaldo Perez Jr. ang jeep at ipinaalam ang pagpunta nila ng kanyang mga kaanak sa Manaoag, Pangasinan para dumalo ng misa.
Nilinaw din ni Ducusin na hindi arkilado ang jeep at wala siyang tinanggap na bayad.
Hindi naman ito pinaniwalaan ng ina ni Reynaldo.
Noong Lunes, December 25, patungo sana sa Minor Basilica of Our Lady of the Rosary sa Manaoag ang jeep nang sumalpok ito sa Partas bus kung saan 20 tao ang namatay.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng LTFRB na una na ring nagpataw ng 30 araw na suspensyon sa operasyon ng ilang unit ng Partas bus.