AKSIDENTE SA DAAN | Dahilan ng pagkahulog ng bus sa bangin, iniimbestigahan na

Tagkawayan, Quezon – Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad para malaman ang tunay na dahilan sa pagkahulog ng isang bus sa 25 metrong lalim na bangin sa Quirino Highway, Barangay Bagong Silang, Tagkawayan, Quezon.

Labing dalawang katao ang sugatan kung saan apat sa mga ito ay nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan habang ang iba ay nagpapagaling na.

Nabatid na galing Maynila ang naturang bus na patungo sana sa Tagkawayan nang mahulog ito at hindi din naging madali ang rescue operation dahil sa malalim ang bangin at maputik sa lugar bunsod ng pag-ulan.


Sa ngayon, hinahanap pa rin ang driver ng bus na si Herbert Umali na tumakas matapos mangyari ang insidente.

Facebook Comments