Manila, Philippines – Hindi tinanggap ng Land Transportation Franchising And Regulatory Board (LTFRB) ang isinumite Secure Digital (SD) card ng dashcam video ng Partas Bus Company.
Ayon kay LTFRB spokesperson Atty. Aileen Lizada, hindi nila ma-i-convert at mapanood ang laman ng SD card.
Maliban sa SD card, ibinigay rin ng Partas sa LTFRB ang Global Positioning System (GPS) ng bus.
Kasabay nito, tumanggi ang pamahalaang lokal ng Agoo, La Union na isapubliko ang kuha sa CCTV ng salpukan ng jeep at bus na ikinasawi ng 20 biktima.
Pero base kuha ng CCTV, nag-counterflow ang jeep at may nakasalubong itong SUV pero nakaiwas ang sasakyan.
Kasunod ng SUV ang Partas bus na sinubukan pang umilag pero nasapul ng jeep.
Facebook Comments