Cauayan City – Katulad sa ibang bayan, aksidente sa lansangan din ang isa sa madalas na naitatalang insidente sa bayan ng San Mateo, Isabela.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Police Lieutenant Dennis Gutierrez, Intelligence Investigation Officer ng San Mateo PS, isa sa mga dahilan nito ay ang sitwasyon at lokasyon ng kalsada sa kanilang nasasakupan.
Aniya, bukod sa human error, ilan din sa mga nasasangkot sa “Vehicular Accidents” ay nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.
Dagdag pa ni PLT Gutierrez, ang mga lugar na madalas pangyarihan ng insidente ay ang daan na sakop ng Brgy. Sinamar Sur, boundary ng San Mateo-Ramon, at boundary ng San Mateo-Cabatuan.
Kaya naman, upang mabawasan ang mga naitatalang vehicular accidents, tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabantay ng kapulisan sa mga lansangan, partikular na sa mga Accident Prone Areas sa kanilang lugar.