AKSIDENTE SA REGION 1 NITONG HOLIDAY SEASON, UMABOT SA HALOS 500

Umabot sa 496 ang naitalang insidente ng aksidente sa kalsada sa Region 1 ngayong holiday season, ayon sa ulat ng Department of Health Region 1.
Sa naturang bilang, anim ang naitalang nasawi. Pinakamarami sa mga aksidente ay kinasasangkutan ng mga motorsiklo, na sinundan ng mga nasa impluwensya ng alak, at mga indibidwal na walang suot na safety accessories.
Ang datos ay bahagi ng pagbabantay at pagtala ng kagawaran mula Disyembre 22 hanggang Disyembre 30, 2024.

Patuloy na nananawagan ang mga awtoridad para sa mas ligtas na pagmamaneho at mas mahigpit na pagsunod sa mga batas trapiko upang maiwasan ang mga ganitong insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments