CAUAYAN CITY – Pinakawalan ng awtoridad ang isang hawksbill sea turtle o pawikan matapos itong aksidenteng malambat sa karagatan ng Diora Zinungan, Sta. Ana, Cagayan kahapon, ika-28 ng Agosto.
Nagtungo naman kaagad sa Sta. Ana Fishery Station ang mangingisdang si John Kenneth Recolizado upang iulat ang aksidenteng pagkakalambat niya sa nasabing pawikan.
Aabot sa 51cm ang haba ng pawikan at may lapad itong 48cm.
Sinuri muna ito ng DENR-CENRO Aparri at nilagyan ng tag bago pakawalan sa karagatang bahagi ng Diora Zinungan.
Facebook Comments