Aksyon ng gobyerno laban sa text scammer, dapat bilisan

50

Hinamon ni Senator Grace Poe ang gobyerno na patunayang mas magaling at mas mabilis ito kaysa mga naglipanang text scammer.

Giit ni Poe, walang oras na dapat masayang ang mga ahensya upang mahuli ang mga manloloko at masawata ang kanilang iligal na gawain.

Kaya naman umaasa si Poe na mas paiigtingin din ng mga telco at negosyo ang pag-iingat at pangangalaga sa kapakanan ng kanilang mga customer.


Ayon kay Poe, ang pasaning dulot ng mga scam na ito ay lalong nagpapalubog sa kalagayan ng ating mga kababayang nakahandusay pa sa gitna ng pandemya.

Diin ni Poe, ang walang awang pagsasamantala sa kanilang kahinaan at sitwasyon ay dapat nang matigil.

Facebook Comments