Tiyak na gagawa ng kaukulang aksyon ang pamahalaan kaugnay ng presensya ng Chinese research vessels sa karagatang sakop ng bansa.
Ito’y kasunod ng na-monitor na tatlong Chinese research vessels sa Ayungin Shoal at ang isa naman sa bahagi ng east coast ng bansa.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Commodore Roy Vincent Trinidad, ang presenya ng mga barko ay parte na ng new normal partikular sa West Philippine Sea.
Batay sa pinakahuling monitoring walang ibang aktbidad ang barko sa bahagi ng Ayungin Shoal.
Nauna nang namataan ang Chinese research vessels na “Shen Kou” sa Catanduanes at ngayon ay nasa bahagi na ng Samar kung saan una na itong namataang nagbaba ng “unidentified equipment” na posibleng gamit sa maritime research.
Facebook Comments