Aksyon ng pamahalaan sa pagtataguyod ng demokrasya sa bansa, kulang pa rin ayon kay PBBM

Nakukulangan pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hakbang ng pamahalaan para maitaguyod ang demokrasya sa bansa.

Ayon sa Pangulo, marami pang panukalang batas na magbibigay-sigla sa Konstitusyon ang hindi pa rin naipapasa.

Hindi rin aniya sapat ang mga hakbang para sa empowerment o pagbibigay-kapangyarihan sa mamamayan, taliwas sa inaasahan ng mga bumuo ng Saligang Batas.


Kasunod nito, sinabi ng Pangulo na napapanahon para gumawa ng malaking aksyon ang tatlong sangay ng pamahalaan na tumindig sa hamon.

Hinimok din ng Pangulo ang lahat na makiisa sa pagsasakatuparan ng mga hindi pa natatapos na trabaho para sa demokrasya, at pagtataguyod sa isang bansa kung saan nananaig ang rule of law, hustisyang walang pinipili, at ang kalayaan, karapatan, at dignidad para sa bawat Pilipino.

Facebook Comments