Aksyon ni Pangulong Duterte laban sa construction activities ng China sa Panatag Shoal, iginiit ng liderato ng LP

Manila, Philippines – Hindi pwedeng basta na lang natin sabihin na wala tayong magagawa.
 
Ito ang iginiit ni Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan bilang pagkontra sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala syang magagawa sa building activities ng China sa Panatag Shoal.
 
Suportado ni Pangilinan ang pahayag ni Supreme Court Justice Antonio Carpio na umaapela kay pangulong duterte na irekonsidera ang nabanggit nyang pahayag.
 
Ayon kay Pangilinan, hindi maaring basta na lang nating ipamukha na tayo ay walang kakayahang umaksyon kapag may ibang bansa na umaangkin sa 381,000 square kilometers na bahagi ng ating territorial waters.
 
Diin ni pangilinan, mas malaki pa ito sa kabuuang land area ng Pilipinas kaya hindi maaring magsawalang kibo na lamang tayo.



Facebook Comments