Buo ang suporta ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagkonsulta ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa mga opisyal ng ating sundalo.
Kaugnay ito sa iligal na paggamit ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa Philippine Coast Guard at dalawang bangka na maghahatid ng suplay sa mga sundalong naka-istasyon sa Ayungin Shoal.
Kinatigan din ni Romualdez ang diplomatic action ng gobyerno laban sa panibagong pangha-harass ng China.
Ikinalugod ni Romualdez ang paggiit ni Pangulong Marcos ng soberanya ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Hinggil dito ay interesado si Romualdez na malaman mula kay Chinese Ambassador Huang Xilian kung bakit binomba ng kanilang coast guard ng tubig ang resupply ship ng Pilipinas.
Nais mabatid ni Romualdez kung ano ang problema at rason para bombahin ng tubig ang mga barkong may dalang pagkain at tubig para sa ating tropa sa Ayungin Shoal.