AKSYON SA PESTENG LANGAW SA MARABULIG 1, IKINATUWA NG ILANG RESIDENTE

CAUAYAN CITY- Bahagyang nakahinga ng maluwag ang ilang residente ng Marabulig 1 matapos maramdaman ang unti-unting pagkawala ng mga langaw sa kanilang lugar.

Sa panayam ng IFM News Team kay alyas “Tess”, nagpapasalamat ito sa may-ari ng poultry sa pagtugon nito sa kanilang mga hinaing.

Aniya, malaking bagay ang ginawang aksyon laban sa mga pesteng langaw sa kanilang lugar dahil ngayon mas malaki na umano muli ang tsansa ng maayos niyang kita lalo pa’t nalalapit na ang araw ng pasukan.


Sa panayam naman ng IFM News Team kay Brgy. Kagawad Jaime Andres Jr., matapos ang inspeksyon ng kanilang pamunuan kasama ang Sanitary Office at City Task Force noong ika-18 ng Hulyo ay nagsimula ng mag-spray sa loob ng poultry farm at inayos na rin ang pasilidad. At simula noon ay napansin ng unti-unting nawawala ang mga dati’y nagsilipanang langaw sa lugar.

Ayon kay Kagawad Andres, nabigyan ng endorsement at recommendation ang poultry farm mula sa Sanidad na dapat patuloy pa rin ang kanilang pag-spray at pagsasaayos sa kanilang pasilidad upang hindi na muling maulit ang suliraning ito.

Facebook Comments