AKSYUNAN NA | Petisyon sa MRT-3, hiniling na desisyunan na ng Korte Suprema

Manila, Philippines – Umapela si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Korte Suprema na desisyunan na agad ang petisyong inihain nila laban sa MRT-3.

Ang petisyong inihain ng Bayan Muna sa Suprme Court noong 2015 ay ang pag-iisyu ng TRO sa dagdag pasahe sa MRT, pagbabalik sa dating singil ng MRT at ang pagre-refund sa publiko ng kanilang ibinayad bunsod ng MRT fare hike.

Giit ni Zarate, dapat na magbaba na ng desisyon ng Korte Suprema dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba ang problema sa serbisyo ng MRT sa kabila ng fare hike.


Mas lalo pa aniyang lumala ngayon matapos na umusok ang isang bagon ng MRT noong Biyernes.

Bukod dito, sa 22 mga bagon ng tren, nasa pito hanggang siyam na bagon lamang ang gumagana na nagdulot na ng malaking pasanin sa araw-araw na byahe ng mga commuters.

Facebook Comments