Aktibidad ng isang US military plane kamakailan, pinapaimbestigahan ni Sen. Marcos

Pinapaimbestigahan ni Foreign Relations Committee Chairman Senator Imee Marcos ang kaduda-dudang aktibidad ng isang US Air Force Boeing C-17 sa loob ng teritoryo at airspace ng bansa noong Lunes.

Ayon kay Marcos, batay sa kanyang mapagkakatiwalaang source, walang abiso ang activity na ito mula sa Airport Integrated Command and Control Center sa NAIA.

Malaking kwestyon aniya ito hindi lamang sa ligtas na paglalakbay kundi pati sa soberenya ng bansa.


Kasama sa tatalakayin sa imbestigasyon kung may posibleng paglabag ang US military sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Depensa naman dito ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), naipaalam ng embahada ng US sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang aktibidad at nakakuha rin ng diplomatic clearance ang US military plane.

Pero usisa ni Sen. Marcos, maraming katanungan sa tunay na misyon ng military plane lalo’t aabot sa sampung oras ang pag-standby nito sa Maynila.

Facebook Comments