Aktibidad ng mga barko ng China malapit sa Pag-Asa Island, hindi sakop ng freedom of navigation ayon kay Justice Antonio Carpio

Manila, Philippines – Iginiit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na panghihimasok na sa teritoryo ng bansa ang ginawang pagpwesto ng mga barko ng China malapit sa Pag-Asa Island.

Ayon kay Carpio, hindi na sakop ng freedom of navigation ang ginawa ng China dahil pag-aari na ito ng Pilipinas.

Kapag nanindigan ang China na teritoryo nila ito, gagawin aniya nila ang anumang nais nila rito tulad na lang ginawa nilang aktibidad sa Panatag Shoal.


Sinabi pa ni Carpio, kailangang ipagbigay alam ng gobyerno sa mga Pilipino ang ginagawa ng China sa teritoryo ng Pilipinas.

Mahalaga aniyang ipakita ng Pilipinas sa China ang pagtutol sa pananatili ng kanilang barko sa lugar.

Una nang sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na walang ibig sabihin ang mga barko ng China sa West Philippine Sea kaya walang dapat ikabahala.

Facebook Comments