Aktibidad ng mga dayuhang terorista sa bansa, mahigpit na mino-monitor ng AFP

Patuloy na mino-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ilang dayuhang terorista na nasa bansa.

Pero sa kabila nito, hindi naman tinukoy ni AFP Spokesman Brig. General Edgard Arevalo ang mga nasyonalidad ng mga ito.

Gayunman aniya, nakikipag-ugnayan na sila sa mga otoridad sa ibang bansa ukol dito.


Kasabay nito ay nanawagan si Arevalo sa bawat isa na maging mahinahon at huwag nang magpakalat pa ng mga maling impormasyon o fake news.

Facebook Comments