Aktibidad ni PBBM sa Piddig, Ilocos Norte ngayong hapon, kanselado na dahil sa masamang panahon

PHOTO: MPC Pool

Ipinagpaliban na rin ang event ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Piddig, Ilocos Norte ngayong hapon dahil sa masamang panahon.

Alas-3:00 dapat nang hapon ay nakatakdang pasinayaan ng pangulo ang bagong rice processing system.

Nakarating na sana ang pangulo sa Piddig, Ilocos Norte pero hindi pa rin ipinagpatuloy ang programa.


Kaninang umaga, ay nauna nang kinansela ang biyahe ng pangulo sa Romblon dahil din sa pag-ulan at pagbaha.

Samantala, inaalam pa kung itutuloy bukas ang inagurasyon ng Rice Processing System dahil may isa pang aktibidad ang pangulo sa Pasuquin, Ilocos Norte bukas.

Facebook Comments