CAUAYAN CITY – Bilang pagdiriwang sa Buwan ng Kabataan 2024 ngayong Agosto, iba’t ibang programa at aktibidad ang inihanda ng Office of the Local Youth Development Office katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Luna, Isabela.
Ilan sa mga aktibidad ay ang Color Fun Run, Laro ng Lahi, Mobile Legends, at Chess na gaganapin sa ika-10 ng Agosto sa Luna Cultural Center.
Magkakaroon din ng Blood Letting Activity sa ika-17 ngayong buwan at symposium, seminars, and campaign tungkol sa Mental Health Awareness, Health Information Education Campaign at iba pa.
Bukod pa sa mga ito, kabilang din sa pagdiriwang ang tree planting at feeding program.
Inaasahan naman na ang mga kabataan sa bayan ng Luna ay magiging aktibo sa pakikilahok sa mga nabanggit na aktibidad at programa.