AKTIBIDAD SA KAPISTAHAN NG DISTRICT 1, NAKALATAG NA

Cauayan City – Inilabas na ng Brgy. District 1, Cauayan City ang mga aktibidad na gaganapin sa kanilang kapistahan ngayong taon.

Nakatakdang magsimula ang Raniag Ti Distrito Uno Festival sa darating na ika-25 ng Hunyo kung saan magtatagal ito ng apat na araw.

Bilang pagsalubong sa unang araw ng kapistahan, magsasagawa ng walking zumba at pormal ring bubuksan ang kanilang Banchetto.


Samantala, bukod pa rito isa rin sa pinaka-inaabangan ay ang Search for Ginang District 1, Medical Mission, Bingo Bonanza, at Raffle Draw Night.

Facebook Comments