Aktibidad sa Rajah Sulayman Park kaugnay sa Araw ng Maynila, pinangunahan ni Mayor Lacuna

Ginugunita ngayong araw ang ika-452 anibersaryo ng pagkatatag ng Lungsod ng Maynila kasabay ng kapistahan ni St. John the Baptist.

Mismong si Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Rajah Sulayman sa Malate, Manila.

Pagkatapos ng maiksi at simpleng seremonya, isang civil and military parade naman ang isinagawa sa Moriones sa Tondo.


Mula kaninang alas-6:00 ng umaga, sarado na ang kahabaan ng Moriones Street mula Mel Lopez Blvd. hanggang N. Zamora Street.

Gayundin ang kahabaan ng J. Nolasco Street mula Morga St. Hanggang Concha St., gayundin ang kahabaan ng Sta. Maria St. mula Morga St. hanggang Concha St.

Pinapayuhan ang publiko na gamitin mula ang mga alternate route sa ilang lugar sa lungsod habang ginaganap ang programa kaugnay ng Araw ng Maynila.

Facebook Comments