AKTIBIDAD UKOL SA KALUSUGAN NG MGA SOON TO BE MOTHERS SA LALAWIGAN, ISINAGAWA

Isinagawa ng Provincial Health Unit ng Pangasinan ang isang Mother Class Session na isang aktibidad na may kaugnayan sa maternal at kahalagahan ng pagiging isang ina.
Nakafocus ang aktibidad sa maternal, newborn, at child health maging nutrition na dapat malaman ng mga mothers to be.
Dumalo ang nasa dalawampung mga mothers to be at mga nasa high risk pregnancies mula sa western barangays ng bayan ng Lingayen.

Ang mothers class session na ito na may temang “ANAK KO, BUHAY KO” program ay pinangunahan naman ng Provincial Health Unit kasama ang RHU 2 sa Domalandan Center, Lingayen. |ifmnews
Facebook Comments