Aktibismo, muling iginiit na hindi kasama sa mga nakasaad na aktibidad pang-terorismo ayon sa security cluster ng gabinete

Tiniyak ng Security, Justice and Peace Cluster ng gabinete na hindi puntirya ng Anti-Terrorism Law of 2020 ang mga aktibista at mga nagsasagawa ng mga kilos-protesta kundi tanging mga terorista lamang.

Sa huling yugto ng Pre-SONA forum, binigyang diin ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. na batay sa nakasaad sa batas, pangangalagaan ng estado ang mga pangunahing karapatan ng mga tao.

Malinaw na nakasaad sa Section 4 ng Anti-Terrorism Law ang mga aktibidad na maituturing na terorismo.


Hindi aniya kasama rito ang advocacy, pagtigil ng trabaho dahil sa paghahayag ng pagtutol sa ilang patakaran sa paggawa at ang taliwas na opinyon sa pamahalaan.

Ibig sabihin hindi maituturing na terorismo ang aktibismo kaya wala aniyang dapat na ikatakot sa batas dahil ito ay sadyang para sa mga naghahasik lamang ng terorismo.

Facebook Comments