Aktibista, patay sa pamamaril sa Iloilo City

Nasawi ang isang aktibista makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Brgy. Sto Nino Norte, Arevalo, Iloilo City.

Sa report ng Police Regional Office 6, nasa loob ng kanyang nirerentahang bahay si Jory Porquia, 50 taong gulang, nang sumulpot ang dalawang suspek at pagbabarilin ito kaninang alas-5 ng umaga.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) para matukoy ang motibo sa krimen.


Kinondena naman ng League of Filipino students ang krimen.

Anila, si Porquia ay kilala dahil sa mga ginagawa nitong feeding program sa mga mahihirap na komunidad na apektado ng COVID-19 sa Iloilo.

Si Porquia rin ang coordinator ng Bayan Muna sa Iloilo City.

Facebook Comments