Aktibong COVID cases sa Pasay, 42 na lang

19

Kinumpirma ng Pasay City Health Office na 42 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City.

Ito ay matapos madagdagan ng tatlong bagong kaso, kaya ang kabuuang kaso ng infection sa lungsod ay bumaba na sa 14,401.


13,972 naman ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 13 recoveries.

Habang ang kabuuang bilang ng mga binawian ng buhay ay 387.

Ang positivity rate naman ngayon ay nasa 12.73%

Ang bilang naman ng mga barangay na may active case sa lungsod ay 30 o 19%



Habang ang bilang ng mga barangay sa Pasay na nasa ilalim naman ng Local ECQ ay 45 o 22%, kung saan 22 mga bahay sa lungsod ang naka-lockdown ngayon.

Patuloy pa rin ang puspusang contact tracing sa lungsod upang maiwasan na maulit ang paglobo ng kaso ng COVID-19.


Facebook Comments