Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, 8.2% na lamang; DFA, walang naitalang Pinoy na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID

8.2% na lamang o 31,679 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

987 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 388,137.

140 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ngayon ay 349,091 o 89.9%.


49 naman ang mga binawian ng buhay kaya ang total deaths na ngayon ay 7,367 o 1.90%.

Samantala, walang naitala ang Department of Foreign Affairs na bagong overseas Filipino na binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 828.

16 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na sa hanay ng mga Pinoy sa abroad ay 11,380.

Ang aktibong kaso naman ay 3,195.

3 naman ang naka-recover kaya ang total recoveries na ay 7,357.

Facebook Comments