Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagyang bumaba ayon sa DOH: 1,585 bagong kaso ng sakit, naitala kahapon

Bahagyang bumaba sa 23,369 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon mula sa naitalang 23,713 noong Sabado.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,585 na bagong kaso ng sakit, mas mababa sa 1,702 na naitala kamakalawa.

Dahil dito, nasa 3,994,634 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa kung saan 3,907,486 dito ang gumaling na.


Umakyat naman sa 63,779 ang bilang ng nasawi sa virus matapos madagdagan ng 37 na bagong COVID-19 related deaths kahapon.

Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, lumalabas na nasa 13.6% ang COVID-19 positivity rate ng bansa sa mula October 16 hanggang 22, mas mababa sa 14.8% positivity rate na naitala noong nakaraang linggo.

Facebook Comments