Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagyang tumaas ngayong araw

63

Bahagyang tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Mula sa 39,940 kahapon, naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) ang 41,291 active cases o 10.9%.


2,006 naman ang bagong kaso kaya ang total cases na ay 378,933.

636 naman ang bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa kaya ang total recoveries na ay 330,457 o 87.2%.

38 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 7,185 o 1.90%.

Kabilang naman sa mga lugar na nakapagtala ngayon ng mataas na kaso ng COVID-19 ang Batangas, Cavite, Quezon City, Rizal at Bulacan.




Ang mild cases naman ngayon ay 83.3%, ang asymptomatic ay 11.1% habang ang critical cases ay 3.6% at ang severe cases ay 2.0%.

Facebook Comments