Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba pa sa mahigit 8,000

Sumampa na sa 3,685,403 ang COVID-19 cases sa bansa matapos madagdagan ng 184 na bagong kaso kahapon.

Batay sa Department of Health (DOH), bumaba sa 8,389 ang aktibong kaso na pinakababa ngayong taon.

Umakyat naman sa 3,616,709 ang mga gumaling sa nakakahawang sakit habang nasa 60,305 ang mga nasawi.


Ang mga rehiyon na may mataas na kaso sa nakalipas na dalawnag linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 1,020 na kaso, Region 4-A na may 391 at Region 3 na may 231.

Sa ngayon, nasa 16.4% ang bed occupancy rate sa bansa kung saan 5,217 hospital beds ang okopado.

Facebook Comments