Tumaas pa sa 61,733 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
4,387 naman ang bagong kaso habang 374 ang bagong gumaling at 18 ang nadagdag sa mga binawian ng buhay.
Sa ngayon, umaabot na ang total COVID cases sa bansa sa 635,698.
Ang kabuuang gumaling naman ay 561,099 at ang total deaths ay 12,866.
Samantala, nadagdagan pa ng 36 ang bilang ng mga Pilipinong tinatamaan ng COVID-19 sa abroad.
Bunga nito, umakyat na sa 15,928 na ang kabuuang overseas Filipinos na tinamaan ng COVID sa ibang bansa.
80 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 9,645.
Nakapagtala naman ang Department of Foreign Affairs ng isa pang nasawi, kaya umabot na sa 1,044 ang bilang ng mga Pilipinong namatay sa COVID sa abroad.
5,239 naman ang aktibo pang kaso sa hanay ng overseas Filipinos.